Panglalagas ng Buhok sa mga Kababaihan

Panglalagas ng Buhok sa mga Kababaihan

11 October 2018 Off By Rosamie

Ang panglalagas ng buhok ay isang problema na nararanasan lamang ng mga lalaki, mga babae din. Bawat araw, nalalagasan tayo ng hanggang 100 ka buhok na normal naman. Pero kung nagsimula ka nang malagasan ng buhok ng sandakot, panahon na para malaman kung ano ang sanhi nito, at kung paano mahinto ang ganitong proseso. Ano-ano ang mga kadahilanan na nagiging sanhi ng pagkalagas ng buhok at paano ito gamutin sa parte ng mga kababaihan?

Contents

Ang Cycle o Pag-ulit ulit ng Pagtubo ng Buhok

Ang hibla ng buhok sa kababaihan ay sakop sa paulit-ulit na pagbabago. Ang pagtubo ng kapiranggot ay maaring mahahati sa 4 na paulit-ulit na yugto. Una ay ang anagen [o yugto ng pagtubo], katagen [o yugto ng paglipat], telogen [yugto ng pagpapahinga], at exogen [yugto ng paglabas sa bahay]. Sa kaso na kung saan nalalagasan ka ng 100 na hibla ng buhok sa isang araw, hindi ka dapat mag-alala dahil natural lamang ito na proseso. Ngunit kung ang buhok ay nalalagas ng mas sangdanakot, kailangan mong magpagamot at alamin kung ano ang sanhi nito.

Mga sanhi ng labis na pagkalagas ng buhok sa mga kababaihan

Ang buhok ay nalalagas sa maraming kadahilanan, ngunit ang pinakakaraniwang sanhi ay stress, nakakahawang karamdaman, depresyon, sumailalim ng pagtitistis, pag-inom ng mga gamot, at pagdidyeta na naglilimita sa iron at sa B vitamins sa araw araw mong diyeta. Marami din sa mga kababaihan ang nakikipaglaban sa tinatawag na lopecia areata, na kung saan ang buhok ay nahuhulog sa isang parte, tulad halimbawa sa likod ng ulo o di kaya ay sa ibabaw. Kamakailan lamang ang alam natin tungkol sa pagkakalbo ay dahil sa neurotic o di kaya ay genetic na basehan. Subalit maraming pananaliksik ang nagpapatunay na ang autoimmune disroders ang siyang sanhi nito. Sa kaso ng mga babae, ang pagkawala ng sandangkot na hibla ng buhok ay dahil sa hormones, lalong lalo na sa panahong sila ay nagmemenopause, o di kaya ay kung sila ay nakikipaglaban sa hypothyroidism or overactive thyroid gland, o di kaya ay sa pagbubuntis. Ang paninigarilyo, pagtitina ng buhok, at ang paggamit ng mga nakakalasong mga sangkap sa katawan ay maaari ding magbigay ng masamang impluwensya sa estado ng iyong buhok.

Paggamot sa pagkakalbo

Upang mahinto ang proseso ng pagkalagas ng buhok, kailangan mong puksain ang mga nabanggit na mga sanhi ng pagkakalbo. It ay siguradong magpapabuti ng kondisyon ng iyong buhok. Ang pakikipaglaban sa paglalagas ng buhok ay dapat may dalawang patutungohan, ito ay dapat sa panloob at panlabas din. Kailangan mong maging maingat sa iyong pagdidiyetat, mayaman dapat ito sa biotin, B group ng mga bitamina, at iron. Kailangan mong kumain ng yeast o libadora, matatabang isda, kulitis at tsaa ng horsetail sa iyong mga putahe sa araw araw. Pagdating sa panlabas na gamutan sa mga nakakalbong kababaihan, kailangan mong bumili ng espesyal na mga pilya, shampoo at kondisyuner, at mga maskara na nakakatulong sa pagtubo ng iyong buhok. Maari mo silang mabili sa mga tindahan o di kaya ay sa botika. Kung hindi ka pa rin nakakakita ng resulta sa ganitong paraan, kailangan mo ng komunsulta ng dermatologist na siyang magbibigay ng tamang gamot sa iyo pagkatapos niyang malaman ang sanhi ng iyong pangagalbo, sa pamamagitan ng mga espesyal na krema na nangangailangan ng preskripsyon ng doktor.