
Pananakit ng kasu-kasuhan – mga pinakakaraniwang sanhi
9 March 2018Nagdudulot ang maling paghiga, pagyuko at pananatili sa isang posisyon nang matagal, karaniwang nakaupo, sa pananakit sa palibot ng gulugod, pati pamumuo ng mga pamamaga. Kung namuo ang rayuma sa pagitan ng mga tadyang, maaaring makaranas ka ng isang lubhang di-kaaya-ayang kondisyon kasama ng matindi, tumatagos na sakit, nanunuot sa bahaging ilalim ng gulugod, hanggang sa puwitan, baywang, ilalim ng iyong hita, likod ng binti, hanggang sa mga paa. Pinaparalisa ng sakit ang mga kalamnan mo at ginagawang mahirap ang paglakad, kung hindi man imposible. Iyan ang pinaikling paglalarawan ng sayatika.
Contents
Sayatika – malubhang luslos ng gulugod
Ang pinsala sa sayatikang ugat ay bunga ng isang slipped disc o napaigting na pisikal na paggawa. Ang mga taong hindi pa nakapag-ehersisyo dati at biglang magsisimulang sumubok ng matinding takbuhan ay nakondenang magkarayuma sa tuhod at rayuma sa pagitan ng mga tadyang. Lahat ng aktibidad ay dapat gawin nang may pagsasaalang-alang at pagkaalam sa mga limitasyon, yamang ang bigla at malaking bigat sa gulugod ay makaaapekto sa pag-umbok ng gulugod at pamumuo ng rayuma.
Paano mo iingatan ang sarili mo mula sa Sayatika?
Upang hindi hayaan ang malalang rayuma na may malalang luslos sa ibabang bahagi ng gulugod, dapat mong iwasan ang mga biglaang pagkilos, pagbangon nang mabilisan, at hindi likas na pagbabago ng posisyon. Hindi mo dapat sobrahan ang pagbubuhat ng mabibigay bag o backpack. Kung nakaupo, dapat magpahinga nang maikli, o maging magkaroon ng ehersisyong pag-unat. Ang bigat sa gulugod na maaaring magsanhi ng lumalalang pagbabago sa mga kasu-kasuhan ay katabaan. Kaya dapat kang mag-ingat na hindi magdagdag ng higit na balasto sa gulugod, at huwag mag-ehersisyo nang masyadong mabigat sa isang diyeta ng pagbabawas ng timbang, kundi sa halip ay dahan-dahan, mainam kung may propesyunal na tulong, ay damihan ang bigat ng ehersisyo. Bukod pa roon, dapat kumain ka nang wasto at tustusan ang katawan mo ng lahat ng kailangang sustansya, bitamina, at mga macro/microelement. Ang kalidad ng tulog ay ang pinakamahalaga. Alam ng karamihan na ang pagtulog sa kutson na napakalambot ay hindi mainam para sa gulugod. Dapat bigyan mo ang gulugod ng isang tuwid na posisyon sa pagtulog, kaya mainam kung matutulog ka sa patag na higaan, nakahiga sa likuran mo. Siyempre, maaari mong baguhin ang posisyon mo nang makailang ulit sa pagtulog, kaya mahalagang pumili ng mainam na kutson.
Kung makaranas ako ng pananakit ng kasu-kasuhan, dapat ko bang itigil ang pisikal na aktibidad?
Anuman ang edad mo matapos magamot ang rayuma, dapat ipagpatuloy mo ang pisikal na aktibidad. Mainam na ideya ang isports. Isang mainam na pagpipilian para sa mga nakatatandang tao na nagnanais mapalakas ang kanilang mga kasu-kasuhan ay ang Nordic Walking. Ang likas na pagkawala ng collagen ay maaaring tiyak na maagapan sa pamamagitan ng pisikal na aktibidad at isang wastong balanseng diyeta. Mahalaga ring sumakay sa bisikleta, at lumangoy, yamang kapwa nila positibong inaapektuhan ang parehong kasu-kasuhan at kalamnan. Siyempre, kung hindi ka pa pisikal na aktibo dati, hindi ka dapat magsimula sa mga mahabaang languyan o mahabaang pagbibisikleta. Hindi mo dapat kalimutan ang tungkol sa warm up, mahalaga ito bago ang anumang pisikal na aktibidad, dahil mapoprotektahan ka nito sa mga susunod na suliranin sa mga kasu-kasuhan at kalamnan mo, na siyang pananakit at rayuma.