
Paghilik – Mga Sanhi at Panggamot
6 November 2017Kadalasan, ang hilik ay hindi natin iniuugnay bilang isang sakit o malubhang problemang pangkalusugan. Sa halip, iniisip nating isa lamang itong senyas ng problema sa pagtulog, tulad ng taong humihilik at sa lahat ng nakapalibot sa kanila. Tinatayang halos 10% ng sangkatauhan ay humihilik, at 80% sa kanila ay mga lalaki. Ayon sa mga doctor, karamihan sa mga humihilik ay ginagawa ito dahilan sa sobrang pagod at hindi ito delikado sa kanilang kalusugan. Subalit, pwede itong maging seryosong problema sa lahat ng mga taong nakapalibot sa kanila dahil tinatayang ang tunog hilik ay umaabot hanggang sa 90 decibels.
Contents
Anu-ano ang mga sanhi ng paghilik?
Bagaman maraming tao ang nagdurusa sa kondisyong ito, hindi lahat ay nag-isip at nagtanong tungkol sa mga sanhi nito. Ang paghilik ay hindi sakit, subalit isa lamang epekto ng pagkakaroon ng problema sa daanan ng hangin sa lalamunan. May mga sitwasyon na kung saan ang paghilik ay nagiging pathological at nagdadala ng negatibong epekto sa kalusugan – at ito ay ang tungkol sa apnea, na kung saan ang hangin ay hindi makadaan sa larynx. Nangyayari lamang ito sa mga taong may depormadong nasal septum, pahabang panglasa, malaking butas ng ilong, o di kayay mga kondisyon na may kaugnayan sa depormasyon ng respiratory tract o paghinga. Importante ding banggitin na ang kondisyong ito ay nangyayari madalas sa mga taong mataba, o di kaya ay may hypertension, mga babaeng nag memenopos, at mga taong mahilig uminom ng alak.
Anu-ano ang mga epektibong paraan upang gamutin ang paghilik?
Kung sakaling hindi ninyo alam ang partikular na rason sa paghilik, may mga simpleng solusyon na maaring maging epektibo tulad ng pagbabawas ng timbang at pag-iwas sa pag-inom ng maraming alak bago matulog. Isa pang kawili-wiling epekto sa paghilik ay dulot ng pag-inum ng mga tabletang pampatulog o sleeping pills at paninigarilyo.
Mas mainam na itigil ang mga ito upang matiyak ang isang malusog at mapayapang pagtulog kapwa sa iyong sarili at sa mga taong nakapalibot sa iyo. Isa pang nakakawiling dahilan ay ang posisyon ng pagtulog. Kung ang posisyon ng pagtulog ay nakatihaya, ang paghilik ay mas malamang na mangyari kaysa kung ang posisyon ng pagtulog ay patagilid, o di kayaý nakakulob. Ang pagtulog ng patagilid at pakulob ay nakakatulong na maibsan ang mga ganoong simtoma.
Mahalaga ding banggitin na kailangan mong gamutin kahit karaniwang sipon lamang hanggang gumaling, pati na rin kahit anong problema sa pamamaga ng respiratory tract na akala natin ay hindi delikado. Sa kaso ng mga babae, mangyaring ang paghilik ay nabubuo pagkatapos ng menopos, kung kaya’t ang pag gamot ay dinadaan sa hormonal therapy na kung saan sinusuplementohan and kakulangan ng progesterone – isang hormone na nagpapasigla sa kalamnan sa lalamunan. Kung ang paghilik ay nangyayari dahil sa mga depormasayon sa respiratory tract, tulad halimbawa ng nasal septum, ang pinakaepektibong gamot ay surgery o pagtitistis upang makuha ang dahilan ng nasabing depormasyon.
Kapag humihilik, kailangan talaga nilang maging interesado sa dahilan ng kanilang kondisyon. Importanteng malaman nila kung bakit ito nangyayari at para puksain ito ng taong humihilik mismo, o ng medikal na propesyonal dahil ang buhay mo ay mas maging maginhawa sa pamamagitan nyan, kapwa sayo na nagdurusa sa ganoong kondisyon at sa iyong paligid.