Pagehersisyo – Epektipong Pamamaraan tungo sa Kalusogan

Pagehersisyo – Epektipong Pamamaraan tungo sa Kalusogan

21 April 2018 Off By Rosamie

Pagkatapos ng proseso ng pagbuo ng kalamnan, madalas ang mga taong nageehersisyo ay tinutuon ang pansin sa pagpapabuti ng kanilang itsura at kamtin ang tamang paghiwahiwalay ng kalamnan sa pamamagitan ng pagbawas ng taba at sub-dermal na tubig. Ang tamang pagpapalago sa proseso ng ehersisyo ay walang dudang nagpapadali sa pagkamit ng inaasam nating magandang katawan at layunin.

Contents

Magtakda ng Layunin!

Ang karaniwang pagbabawas ng timbang ay nangyayari sa loob ng 2 o 3 buwan. Sa panahong iyon, dahan-dahan mong maibaba ang iyong calories at dagdagan and iba’t-ibang anyo ng aerobics. Ang buong proseso ay nangangailangan ng seryosong disiplina sa sarili at konsentrasyon tungo sa iyong layunin.

Paanu magehersisyo upang magbody build? Ang pagehersisyo sa pamamagitan ng pag-iwas sa calories ay isa sa pinakamahirap gawin, kung kaya’t isang masinsinang pagpaplano ng ehersisyo ay isang mahalagang aspeto. Ang pagpili sa paborito mong ehersisyo at tamang oras ng regeneration ay makakatulong sa iyong pagtahak sa panahong iyon sa pamamagitan ng pagtuon at pagpapahalaga sa sarili. Ang pinakaunang epekto ng muscle vascularization ay mas magpapaganyak sa iyo upang mas mapadali ang proseso ng pagbabawas ng timbang. Sa panahong ito, ang pagsulat ng talaarawan ay maaring makatulong at regular na isulat ang iyong progreso. Ang maliliit na hakbang na paraan ang syang makakatulong sa iyo upang kamtin ang iyong layunin.

Body Building – Mga Pangunahing Katangian

Ang pagiging epektibo ng body building ay maitutukoy ng maraming importanteng mga kadahilanan. Ang pinaka-importanteng aspeto ay ang pagpapanatili ng mataas na intensidad habang ikaw ay nageehersisyo. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagputol ng oras sa pagitan ng ehersisyo at reps. Importante ding panatilihin ang dami ng iyong ginagawa, at ang banayad na manipulasyon ng mga timbang, depende sa iyong lakas. Kadalasan, ang lakas ay humihina sa panahon ng pagbabawas ng timbang, subalit hindi ito panunutunan. Kailangan mong tandaan na an gating katawan ay hindi gumagana sa kaginhawaan na dulot ng calorie, kung kaya’t kailangan ibsan ang mga weights o timbang sa panahong ng pagbubuo ng kalamnan. Sa pamamagitan nito, ang iyong katawan ay patuloy na makakatanggap ng growth stimuli, na sa konting panahon pa, makakatulong sa iyo sa pagkamit sa iyong inaasam na porma ng katawan.

Paano magbody build

Kailangan mong isama ang aerobic at anaerobic na ehersisyo sa iyong plano, dahil epektibo ito sa pagsunog ng adipose tissue. Pinapadali nito and cellularmetabolism at pipilitin nito ang yong katawan na bilisan ang pagsunog ng calorie. Ang dami o lakas ng cardio exercise ay dapat inaangkop sa panahon at sa iyong kasalukuyang hugis. Isang malaking dagdag sa ganitong porma ng ehersisyo ay ang iyong abilidad sa pagmanipula mo sa iyong sariling paraan ng ehersisyo. Kung ang timbang mo ay huminto, pwede mong dagdagan ng isa o dalawang yunit at tingnan and resulta sa salamin at sa timbangan. Kung sa palagay mo natali ka, pwede mong kunan ng isa o dalawang yunit, at bawasan ang calories na kinakain mo sa bawat araw.

Iseguro ang iyong mga kalamnan!

Ang yugto ng pagbabawas ay mahirap para sa ating katawan. Iyon ay dahil sa pinagsamang dehydration o pagbabawas ng tubig at calories. Mas madali itong magka-overload at mapinsala. Upang iseguro and iyong katawan sa negatibong aspeto ng pagbabawas, gbabawas, kailangan mong tandaan na ubusin lamang ang sapat na dami ng protina. Kahit 2.4g lamang sa kada kilogram ng iyong timbang o body mass. Mapoprotektahan nito ang iyong mga kalamnan mula sa cortisone at makapag-ambag ng pagpapalago ng lahat ny anabolic na pagbabago sa iyong katawan. Bukod sa protina, kailangan mo ring suplementohan ang iyong sarili ng mga bitamina at mineral tulad ng

  • D3 at K2 vitamin
  • Magnesium
  • Omega-3 o cod liver oil
  • Beta carotene
  • Creatine

Ang proseso ng pagsunog ng adipose tissue ay napapalago sa pamamagitan ng iyong diyeta. Ito dapat ang pundasyon ng pagkamit mo sa iyong nilalayon na hugis. Kung ikaw ay nagbabawas ng calorie, kailangain mong kumain ng matataas na kalidad ng mga produkto na kung samahan pa ng mga bitamina at mineral, ay makapag siguro sa iyong katawan mula sa tinatawag na catabolism. Sa yugtong ito, kinakailangang piliin ang mga produkto na hindi naproseso, at mayaman sa micro at macro na mga element at bitamina.

Buod ng mga Impormasyon

Ang body building ay isa sa mga elemento upang makamit ang iyong pinapangarap na katawan. Kung ito ay dinisenyo sa pamamagitan ng masinsinang paraan, mapapasimple nito ang paglipat sa buong proseso, at magiging pundasyon sa lahat ng iyong kilos. Kalakip na ditto ang pagkontrol sa iyong calorie deficit, imanipula ang dami ng cardio na ehersisyo, at ingat sa diyeta at regeneration. Importante din na magdagdag ng suplemento sa iyong sarili sa pamamagitan ng de-kalidad na mga produkto tulad ng ZMA or Gaba-500. Mas mabilis na regeneration ngayon ay mas mabuting ehersisyo para bukas. Alalahaning ikontorl ang iyong katawan sa kabuoan ng proseso at regular na siyasatin ito, kapwa sa timbangan, sa salamin, at ang paggamit ng common sense o maigeng pakiramdam.