
Paano magsimula ng ehersisyo sa gym? 6 na key tips
14 January 2018Ang pagehersisyo sa loob ng gym ay isang magandang porma ng pisikal na gawain. Ito ang dahilan kung bakit karamihan sa mga tao ay nagsisimulang pagtrabahuin ang kanilang katawan. Ang iilang minuto sa isang bagong lugay ay maaring maging nakababahala, kung kaya’t marami sa mga taong ito ay inanatala ang pagbbisita sa gym ng paulit-ulit. Kung nagsisimula ka pa lamang ng pagehersisyo sa gym, basahin mo ang artikulong ito upang maiwasan ang mga karaniwang mali at makakuha ng mga tips sa bagong realidad na ito.
Contents
Ang Gym – Paano magsimula pag-ehersisyo?
Sa simula, kailang mong magwarm-up. Ilang kagamitan ang perpekto para diyan at ito ay ang – bisekletang pang-ehersisyo, treadmills, at steppers. Sunod ay dapat kang magpokus sa stretching. Lahat ng uri ng fits, pagbali-bali, slopes o dalisdis, iskwat, jumping jacks at pagpapagkilos sa mga kalamanan. Ang epektibong pagtrabaho sa ganuong yugto ay makakatulong sa pagpapabuhay ng iyong mga kalamnan, tendons, at joints. Ang isang solidong warm-up ay nagpapahintulot sa iyo na magtrabaho ng mas malaking hanay ng kilos sa bawat ehersisyo. Isinasalin nito ang ating katawan sa paggawa ng mas mabuting contraction at relaxation. At bilang resulta ay ang mabuting muscle hypotherapy [pagtubo at pagbuo]. Ang warmup ay pumipigil din sa mga aksidente na nagpapahintulot sa iyong katawan sa pagbagay sa sikap.
Ano ang pinakamainam na oras ng pag-ehersisyo?
Depende ito kung saang lebel ka na ng pag-ehersisyo at kung ano ang iyong layunin. Para sa mga baguhan, kailangan lang ng 1.5 na oras ng epektibong trabaho para makita ang epekto. 10-15 minutong warmup, at pagkatapos ay 40-60 minuto ng pagpapalakas na ehersisyo, at tapusin ito ng cardio [treadmill, stepper, bike, at rowing machines]. Kapag nagawa ang ehersisyong ito tatlong beses sa isang semana ay magbibigay ng positibong epekto sa pamamagitan ng pagsunog ng mga taba, pagbuti ng saloobin, mabuting kaangkupan, at pagbuo ng tamang disenyo ng galaw.
Makina o weightlifting?
Ito ang tanong na lahat ng mga beginners ay nahaharap. Ang pag-angat ng timbang o weightlifting ay maaring magbigay ng maraming benepisyo. Iangkop ang katawan sa tamang disenyo ng galaw, habang pinapalakas ang buong katawa at pabutihin ang stabilisasyon, koordinasyon at pag-ehersisyo ng mas epektibo, na nagsasalin ng mga aktibidades sa gym bilang pang-araw araw ng gawain. Ang weightlifting ay hindi madali. Upang magawa ito ng tama, kailangan mong alalahanin na dapat mong iposisyon ng tama ang iyong katawan. Paigtingin ang kalamnan sa tiyan at hita ganun din sa balikat, at iposisyon ang iyong paa sa nyutral na parte, palabas na pag-ikot [o ang tinatawag na pagliko ng paa]. Ang pinakamahusay na solusyon ay ang paggamit ng coach o di kaya ay isang eksperyensyadong kaibigan. Ang pag-aral ng tamang paraan ng pag-ehersisyo ay magbibigay sayo ng maraming taon ng pag-ehersisyo na walang takot na maaksidente. Sa pamamagitan ng paggawa nito, hinding-hindi ka na makakapasok sa susunod na lebel.
Ang ehersisyo gamit ang makina ay pwedeng maging suplemento o elemnto ng iyong pagwawarm-up. Hahayaan ka nito magtrabaho ng ligtas na mga galaw at gawing aktibo ang iyong mga kalamnan ng dahil sa sipag. Sa katagalan, hindi ito nakapagbibigay ng parehong epekto sa weightlifting. Madalas nirerekomenda ito sa mga taong baguhan pa lamang sa pag-ehersisyo.

Dapat ba akong gumawa ng ehersisyo para sa buong katawan, o hating ehersisyo?
Sa pagsimula mo, nirerekomenda ko na dapat ay ihersisyo ang buong katawan sa bawat sesyon ng pag-ehersisyo. Hinahayaan nitong iaktiba ang karamihan ng iyong mga kalamnan, na siyang nagbibigay ng malaking epekto sa pagtubo ng hormon ng iyong katawan. Ang pagsasanay sa circuit, na ginagawa tatlong beses sa isang linggo, ay nagpahintulot sa iyong mga kalamnan na masanay sa pag-ehersisyo. Ang katawan mo ay aangkop at nakapagpapabilis ng tamang proseso ng paggalaw. Ang hiwalay na pagsasanay ay dapat lamang sa mga atleta na gusto magpokus sa muscle sensitivity at sa mga tiyak na parte ng katawan.
Paano iprepara ang sarili sa pag-ehersisyo?
Ang tunay na ehersisyo ay nagsisimula kahit na sa 1-2 oras bago pumasok ng gym. Sa mga oras na ito dapat mong kainin ang iyong pre-exercise na pagkain. Importante ng may carbohydrates ito, protina, at fats, na kung saan mas marami dapat ang carbohydrates. Ang pagkain ng tamang halaga ng carbohydrates ay nagchacharge sa iyong katawan ng muscle glycogen, na sinusunog naman sa panahon ng pag-ehersisyo. Ng dahil dito, may lakas kang mag-ehersisyo ng maige. Bago mag-ehersisyo, pwede kang uminom ng kape. Kailangan mong tandaan ang tamang pag-inom ng tubig na nakakapekto sa kalidan ng iyong ginagawang ehersisyo. Sa umaga, kailangan mong uminom ng dalawa o tatlong litro ng tubig na hindi carbonated.
Syempte, kailangan mong dalhin ang tamang gamit pang-ehersisyo sa gym, ang tamang sapatos, tubig na hindi carbonated, at tuwalya. Mas maige ring kumain ng simpleng pagkain pagkatapos mag-ehersisyo na may carbohydrates na nagpapagana sa produksyon ng insulin sa iyong katawan [proseso ng rehenerasyon]. Pwede ang saging, mansanan, o di kaya ay isang post-exercise shake.
Magsimula kang magsulat ng Talaarawan sa Pag-ehersisyo
Sa pagpaplano ng ehersisyo, mas maige sigurong isulat ang bawat progreso sa isang talaarawan. Sa unang pahina, dapat mong ilakip sa pagsulat ang buong plano ng ehersisyo, at pagkatapos ay idagdag ang bilang ng mga reps, serye, at ang timbang sa bawat araw. Isa itong paraan na hindi ginagamit ng marami sa kabila ng pagiging epektibo nito. Ang masinsisnang pagtala ng iyong mga puntos ay magpapakita sa iyo ng iyong progreso pagkatapos ng kulang-kulang dalawang linggo ng pagtatrabaho ng iyong katawan. Maarin mo ring mamsnipula na mas epektibo ang mga timbang at mas epektibong trabaho sa iyong kahinaan. Sapat nang itala ang mga elemento na hindi ka nasisiyahan pagkatapos ng bawat sesyon [tulad halimbawa ng panghihina ng mga tuhod o di kaya ay kawalan ng lakas sa likod sa pag-angat ng mga timbang].