Onychomycosis o Pamamaga at Paninilaw ng mga Kuko

Onychomycosis o Pamamaga at Paninilaw ng mga Kuko

12 January 2018 Off By Rosamie

Ang mga impeksyon na fungal ay isang karaniwang problema na madalas ay umaatake sa paa. Sa kasawiang palad, madalas hindi ito napapansin o tinatago lamang dahil nangyayari ito sa paa na hindi gaanong naipapakita. HIndi ito ang solusyon. Ang ganitong paglapit sa problemang ito ay hindi tama at iresponsable, hindi lamang dahil sa iyong sariling kalusugan at kagandahan, kundi dahil ang mga mpeksyon na ito ay nakakahawa.

Contents

Paano malalaman ang tinea sa paa? Ano-ano ang mga simtomas nito?

Ang kondiyong ito ay popular sa mga kuko ng paa, at ang mga simtomas ay nakakatawag ng pansin. Ang patay na kuko ay nag-iiba ang kulay at hugis. Nagiging basagin ito at nanguguyopot. Ang pagbabago ay nagsisimula sa gilid ng kuko na kung saan ang kulay nito ay nagiging manilaw-nilaw na kayumanggi, ngunit ang hindi nagagamot na kondisyon ay bumabalot sa kabuoan ng kuko at madalas napapasa ito sa katabing mga kuko. Habang lumilipas ang panahon, ang lahat ng kuko sa paa ay nagiging marupok at nagiging mas makapal hangang sa halos impossible ng gupitan ito.

Ano-ano ang mga sanhi ng onychomycosis?

Ang tinea ay pwedeng makapanghawa. Totoo ito. Ito ang rason kung bakit kailangan mong bigyan ng atensyon ang pagpunta sa mga pampublikong lugar na nakapaa lang, lalong-lalo na sa mga may mga tubig na lugar kung saan pinamumugaran ng mgd fungi, tulad ng silid paliguan, banyera, palanguyan, at sa mga sauna. Kailangan mong maging mapagmasid dahil baka may isang tao na may mabababng immunity o kaligtasan sa sakit ang nagdurusa ng mga sakit na systemic tulad ng diabetes, auto-immune na mga sakit, at hormonal na karamdaman. Ganon din sa iba pang mga kadahilanan na nagiging sanhi ng paghina ng immunity na madaling nakakasagap ng karamdamang ito dahil sa impeksyon. Maliban pa dito, ang impeksyon ay maari ding makuha sa pamamagitan ng paggamit ng sapatos ng taong apektado na ng ganitong sakit. Kailangan mong maging maingat sa iyong hygiene upang maiwasan mo ang kondisyong ito.

Paano gamutin ang onychomycosis?

Hindi talaga dapat ipagwalang-bahala ng ganitong problema dahil kung mas maraming kuko ang naaapektohan, ang buong kuko mo ay naapektohan din ng pangkalahatan at ang pag-alis ng problemang ito ay nagiging mas mahirap. Ang paggamot ng onychomycosis ay nangangailangan ng diiplina mula sa pasyente. Kung ang doktor ay nakapagsuri ng patay na kuko, madalas ito ay tinea. Ang paggamot ay nakadepende sa grabe ng karamdaman. Kung ang pangingiba ay hindi masyadong malaki, madalas espesyal na patse, likido, o di kaya ay barnis na may fungicidal activity lamang ay pwede na. Subalit kung ang pagbabago ay malaki, nagiging malaki din ang gamutan sa pamamagitan ng mga fungicidal na mga prdukto. Nakadepende sa kagrabe ng kondisyon ang haba ng pag-inom ng ganitong gamot.

Ang tinea, lalo na ang tinea sa paa ay isang pangkaraniwang karamdaman na madalas ay madaling nakakahawa. Kailangan mo talagang alagaan ang sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas ng hygiene at ibayong pag-iingat. Ngunit kung ikaw ay naapektohan na, kailangan mong magpakonsulta sa doktor upang masimulan agad ang gamutan.