Mga paraan upang makamit ang matibay at buong dibdib

Mga paraan upang makamit ang matibay at buong dibdib

11 April 2018 Off By Rosamie

Maaaring makamit ng bawat babae ang magagandang dibdib. Salamat sa wastong alaga at pagpili sa wastong bra, maaari itong maipakitang nakakatukso, matibay, at malusog.

Contents

Pagsusuri sa sarili, kaya kaunting alaga

Ang magandang dibdib ay isang malusog na dibdib, kaya ang araw-araw mong karaniwang gawain ay dapat kapalooban ng pag-obserba, paghipo, at pagsusuri sa mga dibdib. Bawat pagbabagong nangyayari sa pangkalahatang lugar ng mga dibdib at utong ay mas madaling makikita kung ang pagsusuri ay gagawin sa parehong araw ng buwan. Ang pinakamainam na paraan para sa mga babaeng nakararanas ng regla ay dapat pagkatapos ng regla, sa pagitan ng ika-6 at ika-10 araw ng cycle. Mahalaga ito, sapagkat sa gayong panahon ang mga dibdib ay malambot at hindi gaanong sensitibo sa paghipo. Sa kaso ng mga babae sa menopos at pagkatapos ng menopos, hindi mahalaga ang araw – maaaring kahit anong araw ng buwan. Ang pagsusuri ng dibdib ay isang bagay na hindi dapat pabayaan ng sinumang babae. Hahayaan ka nitong matuklasan nang maaga ang anumang pagbabago ng kanser. Ilang minuto lang ang kakailanganin upang makita kung ayos lang ang lahat at kung ligtas at malusog ang mga dibdib. Ang pinakamahahalagang puntong dapat mong pagtuunan ng pansin ay: ang itsura ng balat, ang hugis ng mga dibdib, at ang estado ng mga utong (kung naglalabas ba sila ng likido), gayundin ang anumang pagbabagong nararamdaman mo sa ilalim ng iyong mga daliri, hal. hindi likas na mga bukol. Lahat ng pag-aalinlangan ay dapat agad na ikonsulta sa isang medikal na propesyunal. Hindi mo dapat kalimutan ang tungkol sa mammography at USG, gayundin ang regular na pagbisita sa hinekologo.

Ano nakapagpapatibay at buo rin sa dibdib mo ay masahe. Ayaw ng balat sa palibot ng dibdib ang mainit na tubig, dahil winawasak nito ang pumuprotektang lipid layer. Ngunit ibig nito ang salitan ng mainit at malamig na masahe na may agos ng tubig. Pinadadaloy ang tubig mula sa isang shower head tungo sa dibdib mo, maaari kang gumawa ng isang pagkilos sa hugis ng numerong 8, sakop ang kapwa mga dibdib. Pagkatapos, gamit ang pabilog na kilos, kuskusin ng mga produktong pang-moisturize, hal. langis ng almendras, langis ng argan, o langis ng wheat gerry, gayundin ang mga langis mula sa kumin, fenugreek, makadamya, o niyog, at maging langis ng olibo. Ano pang higit ang magagawa para sa magagandang dibdib? Isang magaspang na masaheng frotte, o isang masaheng espongha ay maaaring makapagpabuti nang malubha sa estado ng mga dibdib kung gagamit ka ng wastong balsamo o langis sa kasagsagan nito.

Pagbabalat at mga maskara – ganap sa pag-moisturize

Ang araw-araw na pag-alaga sa paniniguradong ang balat ng mga dibdib ay na-moisturize ay magreresulta sa isang mainam na itsura. Dahil sa pagiging sensitibo at manipis ng balat na iyon, gayundin ay madaling matuyo, mahalaga sa kremang gagamitin na magtaglay, bukod sa iba pa: katas ng ivy, sea algae, katas ng horsetail at berdeng tsaa, pinabibilis ang pagpapabago at pagpapatibay ng balat, gayundin ang mga bitamina mula sa B group at bitamina A, C at E, at mantikilyang kakaw at hyaluronic acid, kapwa gumaganap bilang mga moisturizer.

Isang diyeta at mga ehersisyo para sa magagandang dibdib

Maraming nakasalalay sa iyong diyeta, kasama na ang iyong matibay na balat. Ano ang pinakamahalaga para sa mga dibdib? Pinakamahalaga ay ang mga bitamina sa grupong B na makikita sa mga produktong may gatas, gayundin ang mga buong trigong mga produkto. Iba pang mga bitamina na hindi mo dapat kalimutan ay A, E at C, dahil pumuprotekta sila mula sa mga free radical at pinipigilan ang proseso ng pagtanda ng balat. Siyempre, pinakamadali silang mahahanap sa mga prutas at gulay. Isang gulay na espesyal sa kahalagahan ay ang karot, pagkat tinutustusan ka nito ng malaking sukat ng beta-carotene. Inaapektuhan din ng wastong pag-inom ng organismo ng tubig ang itsura ng balat. Napakahalagang tandaan na ang mabilis na pagbawas o dagdag ng timbang ay hindi mabuti para sa balat, nagsasanhi ng kakulangan sa tibay at mga stretch mark.

Ano ang diyeta kung walang wastong ehersisyo? Ang papel ng pisikal na aktibidad sa pantaong buhay ay di-matatawaran. Ang pagnanais na itaas at pagtibayin ang mga dibdib mo ay may kaugnayan din sa ehersisyo. Ang batayan dito ay mga push up at paglangoy, maaari ka ring magbuhat ng maliliit na pabigat. Ang pagpapaunlad sa mga kalamnan ng iyong dibdib ay ang unang hakbang. Ang wasto, tuwid ang likod na tayo ay may malaki ring epekto.

Alamin ang iyong sukat, o paano pumili ng bra?

Ang bra ang isa sa mga pinakamahalagang bagay sa aparador ng isang babae, kaya ang pagpili nito ay napakahalaga. Salamat sa wastong cup size at wastong sirkumperensiya, magmimistula at madaramang mainam ang mga dibdib, na makapagpapabuti sa kalooban mo, kaginhawaan, at kumpiyansa. Ang isang maling bra ay maaaring magsanhi ng problemang pang-aestetika: ang sobrang liit ay iipit at sisirain ang hugis ng dibdib mo, habang sisirain ang hugis nila ng isang sobrang laki sa pamamagitan ng maling suporta.

Isa sa mga pangunahing parametro ng isang bra ay ang sirkumperensiya nito. Ang pagsukat sa ilalim ng mga dibdib gamit ang isang medidang direktang nakalinya sa ilalim ng mga dibdib ay dapat magbigay sa iyo ng sagot sa kung anong sukat ang perpekto upang suportahan ang mga dibdib mo. Sa pagsusukat, at marahang sikipan ang medida upang mahigpit itong lalapat sa balat, ngunit hindi sobrang higpit na magsasanhi ng mga suliranin sa paghinga o makasakit. Ang resulta ay dapat i-round down, hal. kung nasukat mo ay 77 cm, ang resulta ay ira-round down hanggang sukat 75. Bakit ganoon? Dahil maging ang may pinakamataas na kalidad na bra ay mababanat.

Ang wastong sirkumperensiya ay isang bagay, ngunit paano pipiliin ang cup size? Dapat magsimula ang sukat sa paglilinya ng sukat nang pahalang sa taas ng utong. Dapat ay may pagkamaluwag na papalibot ang medida sa dibdib mo. Sa kasong ito ay tama ang resulta, hindi mo dapat i-round up o down. Kapag sumusubok ng bra, mainam kung yuyuko ka at isasara ito sa pinakamaluwag na bahagi.

May isang alituntun dito: kapag pinaliit mo ang sirkumperensiya, babaguhin mo rin ang cup. Gumagana ang alituntunin ito sa parehong paraan: kaya kung pipiliin mo ang mas malaking sirkumperensiya, kakailanganin mo ring pumili ng mas malaking cup.

Paano pumili ng bra

May ilang paraan upang siguruhing ang napili mong bra ay perpekto para sa dibdib mo. Unang tagapagpahiwatig ay ang likod ng bra na dapat ay pahalang, upang hindi ito gagalaw tuwing suot. Pagkatapos ay kailangang tingnan mo ang harap, upang makita kung ang mga dibdib ay naitaas nang bahagya. Ang pagkalikot sa mga panali ay hindi mainam na solusyon, dahil ang unang bagay na dapat maiwasto ay ang sirkumperensiya ng bra. Hindi dapat maidiriin ang mga panali sa braso mo, ang bigat ng dibdib ay dapat maipatong sa sirkumperensiya sa ilalim ng dibdib. Isa pang hakbang ay ang pagsuri kung kasya ba nang buo ang mga dibdib sa cup. Masisiguro mo kung susuriin mo ang bahagi ng kilikili – kung walang tiklop na namumuo roon, akma ang cup. Kung natitiklop ang cup sa halip na marahang sumasakop sa mga dibdib, lubha itong maluwag at dapat kang kumuha ng mas maliit. Ang sunod na punto ay ang whalebone at kung paano sila nakalinya. Pinakamainam kung marahan nilang papalibutan ang tadyang at hindi nila dapat masagi ang mga dibdib saanmang bahagi. Dapat silang manatili sa ilalim ng mga dibdib, at nakalinya sa gilid na tila ba hahantong sa gitna ng kilikili. Salamat doon, hindi ka nila masusundot o magdiriin sa mga dibdib. Ang huling punto ay paggawa ng ilang biglaang kilos sa nakasuot nang bra, na magsasanhi upang masigurado mong napili mo ang wastong sukat. Kung nananatili sa lugar ang bra tuwing yuyuko, tatalon, o iiikot ang katawan, at hindi natatanggal ang mga dibdib mula rito, malamang ay ito ang wastong sukat.

Ang tanong na “Paano pumili ng bra” ay tinatanong ng maraming babae. Magbibigay ang panloob na may wastong sukat ng ginhawa at mainam na kalooban, gayundin ng pandama ng kaligtasan. Kapwa iyon at regular na pag-iingat, at pati pagpapanatili ng wastong diyeta at pag-eehersisyo ang magsasanhi sa iyong tamasahin ang buo, may hugis, at magagandang dibdib.