
Mga Panuntunsn sa Malusog na Pagbabawas ng Timbang
6 May 2018Maraming mga tao, lalo na kapag summer ay gustong magbawas ng timbang. Ngunit hindi ito ganoon kadali. Ang magandang resulta ay nakikita lamang sa pamamagitan ng matindi at mahigpit na dyeta na madalas ay humahantong sa mabilis na pagbalik ng timbang, at kung minsan ay mas lalo pang madagdagan an iyong timbang. Kaya anu-ano ang mga pangkaraniwang pagkakamali habang tayo ay nagpapabawas ng timbang at ano ang dapat gawin upang maiwasan ang yoyo effect?
Contents
Ang Karaniwang Pagkakamali sa pagbawas ng timbang – ano ang dapat gawin?
Magsimula ka dapat sa ganito: ang dyeta ay isa lamang paraan ng pagkain at madalas ay iniisip nating may kaugnayan ito sa pagbabawas ng timbang. Syempre ang isang makatwirang dyeta ay humahantong sa pagbaba ng timbang kung ang dati ay hindi tama. Sa simula pa lamang ng iyong pagbabawas ng timbang, madalas may iiwasan kang mga pagkain. Ngunit kailangan ng katawan mo ng protina, taba at mga carbohydrates. Hindi mo rin maaring kalimutan ang mga bitamina at micro at macro na mga elemento. Syempre kailangan mong iwasan ang mga mapanganib na elemento o di kaya ay babaan ang pagkain ng mga ito. Bukod sa pag-iwas sa mga protina, taba at carbohydrates, ang pinakakaraniwang pagkakamali ay ang pagbaba ng pagkonsumo ng sakto lang na calories. Nagiging sanhi ito ng paghina ng iyong metabolismo at pag-ipon ng taba sa iyong katawan. Kahit na ikaw ay nagbawas ng timbang sa simula sa pamamagitan ng pagkawala ng tubig at kalamnan, sa isang banda ang iyong timbang ay hihinto habang ang katawan mo ay nagsisimulang makipaglaban sa pagkagutom. Ang mahinang metabolismo ay naaalala ng iyong katawan kung tatapusin mo ang mahigpit na dyeta, na nagreresulta sa patuloy na paghina ng iyong katawan sa pagtunaw ng iyong mga kinakain habang tinataasan mo ang iyong pagkain ng calories. Humahantong ito sa yo-yo effect. Isa pang pagkakamali ay ang sobrang paggamit ng fiber at iba pang mga substansiya na nagpapasigla ng iyong bituka. Humahantong ito sa kompletong deregulasyon ng iyong metabolismo na nagiging sanhi ng chronic constipation, diarrhea, at pag-alis ng tubig sa iyong katawan na gumagawa ng kakulangan ng bitamina, lalo na ang bitamina A at B12 na inaalis kasabay ang mga dumi.

Nakakapagpalusog na Pagbabawas ng Timbang – humingi ng tulong sa mga dietitian o di kaya ay sundin ang mga batayan
Ang pagkonsumo mo ng calorie ay kinakalkula base sa BMI at sa iyong uri ng pamumuhay sa pamamagitan ng angkop na rata ng kombersyon. Ang edad ay kinukunsidera din. Ang dietitian, sa paghanda ng iyong dyeta ay sinusuri din ang komposisyon ng iyong katawan – kung ilan ang tubig, kalamnan, at taba na meron sa iyong organismo. Base dito at sa resulta ng pagsusuri, halimbawa ang pagkain at alerhiya, makikita mo kung anong klaseng dyeta ang naangkop sa isang tao. Kung sila ay nagdudusa ng alerhiya, o malalang sakit, kinakailangan nilang bumisita sa dietitian kung gusto nilang magbaba ng timbang. Sa ganoong paraan din, ang mga malulusog na tao ay pwedeng magtakda ng sarili nilang dyeta sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batayan.
Ang pinakaimportante ay ang pagkain ng madalas, ngunit pakonti-konti lang. Madalas kumakain tayo hanggang tayo ay nabubusog, habang nililimitahan ang bilang ng pagkain. Ito ay simpleng paraan sa pag-ipon ng taba at tubig sa pamamagitan ng maling ugali sa pagkain. Mas maigeng kumain 5 beses sa isang araw. Kailangang may gulay at prutas kada kain, 5 beses sa isang araw. HIndi ka dapat kumain ng isang bahigi lamang ng karni sa isang araw. Dapat mong pakuluban ang karne na walang dagdag na taba o di kaya ay pakuluan ito. Bawat kumida o meal ay dapat naglalakip ng protina, complex carbohydrates, at dalawang beses sa isang araw ay kailangan mong kumain ng gulay na mas mainam sa salad.
Tulad ng alam ng lahat, dapat limitahan ang pagkain ng maasukal na pagkain dahil nagiging sanhi ito ng pagkagutom. Una, ang asukal ang sanhi ng matinding daluyong ng insulin sa dugo, at pagkatapos ay ang mabilis na pagkawala ng insulin na nagiging sanhi ng pagkagutom. Mas mabuting maglakip ng isda sa dyeta dahil mayamanito sa omega 3 acids. Halimbawa, salmon, mackerel o tuna. Dapat mong putulin ang pagkain ng mga mamantikang pagkain na mayroong trans fats. Ang mga ito ay mabilis na daan tungo sa pagkakaroon ng arteriosclerosis.
Ang pinakaimportanteng bagay ay ang agahan dahil ang metabolismo mo ay gumigising sa umaga. Ganoon ding ang hindi pagkain ng huli at pag-iwas sa pagkain sa gabi. Syempre kailangan mo ring uminom ng maraming tubig dahil nakapagpapaalis ito ng mga toxins o lason sa katawan. Mga 1.5 hanggang 2 litro ng tubig o di kaya ay mas mataas pa lalo ng pag summer o tag-araw. Kailangan mo ring matulog ng tama dahil ang balisang balanse ng hormon at humahantong sa pagkabalisa ng metabolismo at pagdagdag ng timang. Ito ang mga pangunahing batayan na kailangan mong sundin.
Pagsunog ng calories, Pagbabawas ng Timbang
May mga mabilis na paraan sa pagsunog ng taba. Pero hindi ka dapat sumobra sa paggawa nito. Pwedeng maging makabuluhan ang pag-inom ng kape na walang asukal kada araw. Pwede ka ring uminom ng yogurt na may buhay na bakterya na may positibong epekto sa intestinal peristalsis. Ang mga gulay at prutas ay pinagmumulan din ng mga dietary fibers, at pwede mo itong kainin ng hanggang ilan ang gusto mo na hindi susobra sa 30 gramo. Ang halaga ng sangkap na ito sa ibang mga pagkain ay makikita sa calorie table at sa balot. Pwede ka ring magpatulong sa mga dietitian. Ang pagsunog ng calories ay pinangagasiwaan ng piskal na aktibidad. Dapat itong gawin ng hindi bababa sa 40 minuto kada araw. Hindi ito kinakailanganng maging matinding ehersisyo, kung kaya pwede ang pagmamartsa lamang, Nordic walking, o di kaya ay paglalakad-lakad lamang sa parke. Pero kung gusto mo talagang magbawas ng timbang ng malaki, idagdag mo and ehersisyo na aerobic. Isang halimbawa dito ay ang pagbibisikleta o di kaya ay paglalangoy.
Ang malusog at rasyonal na dyeta ay ang susi tungo sa balingkinitang katawan. Yan ang dahilan kung bakit kailangan mong sundin ang mga nabanggit na panuntunan.