Lahat na Kailangan mong malaman tungkol sa psoriasis

Lahat na Kailangan mong malaman tungkol sa psoriasis

22 May 2018 Off By Rosamie

Ang psoriasis ay isang sakit na kung magpapakita sa tao, tanging ang simtomas lamang ang pwede mong pagaanin. Kadalasan hindi ito gaanong nakikita. Sa ating sosyedad, may maling akala na ito ay isang nakakahawang sakit. Pero hindo ito ang tamang pahayag. HIndi ito nakakahawang sakit. Pagdating sa mga sanhi nito, hanggang sa mga panahong ito ay hindi pa rin nalalaman.

Contents

Saan nanggaling ang psoriasis? Ano-ano ang mga sanhi nito?

Sa ngayon marami ang mga teyorya na umaangkin kung ano ang sanhi sa kondisyong ito. Pero sa ngayon wala sa kanila ang kinompirma ng agham o klinikal na pagsusuri. Isa sa mga teyorya na umaangking ito ay isang auto-immunological na sa sakit ay ang kondisyon na kung saan ang katawan ng tao, sa di matukoy na dahilan ay nagsisimulang atakihin ang sarili nitong mga tisyu. Katulad ng naunang popular na pag-angkin, isa pang teyorya ay ang paniwalang ang psoriasis ay isang kondisyon ng pamilya na namamana ng mga anak mula sa mga magulang.

Ano-ano ang simtomas ng psoriasis?

Ang kondisyong ito ay madalas nagpapakita sa mga edad 10 hanggang 40. Pero hindi ito nangangahulugan na hindi ito magpapakita sa mga mas bata at matatandang tao. Ang unang simtomas ng sakit na ito ay ang mapula-pula at kayumangging kumpol na iba-iba ang hugis at mas napapansin sa mga malulusog na balat. Nakikita ito madalas sa tuhod, siko, hita, sa pigi, sa mga kamay at paa. Madalas sa mga parte na kung saan may pagbabago ay nababalong ng kulay pilak na kaliskis na nagpapatong-patong. Ang sanhi nito ay ang pagsiklab ng karatosis. Ang pagbabago ay lalong lalaki sa paghakbang ng panahon. Higit pa dio, ang psoriasis ay makikita din sa mga kuko sa mga maliliit na mga pagyuyupi ng mga ito. Ang mga kuko na naaapektohan nito ay nagiging marupok, naninilaw, at nagsasapin-sapin.

Ano ang kurso ng paggamot ng psoriasis?

Ang paggamot na panlabas ay madalas ginagamit sa kondisyong ito. Ang pag-inom ng mga gamot ay ginagawa lamang kung ang panlabas na gamot ay hindi nagiging epektibo. Sa simula ng gamutan, kailangan mong alisin ang mga kulay pilak na kaliskis gamit ang mga medisinang pharmacological. Para dito, dapat gawin ang keratolytic na mga preparasyon na may salicylic acid para gamitin panggamot. Ang malinis at hinugasang balat ay ginagamot ng ointment o pamahid tulad ng cygnoline at deribatibo ng vitamin D. May mga kaso na kung saan nangangailangan ng immunosuppresants para sa immune system ng katawan. Madalas, bilang isang uri ng therapy, o phototherapy, ginagamit ang skin irradiation o pag-iilaw sa balat. Para maging epektibo ito, kailangang gawin ito ng dalawampung beses, 2 hanggang 3 beses bawat linggo.

Ang kondisyong ito, kahit hindi nakakahawa, ay maaring magpapakita sa lahat, sa kahit anong pagitan ng edad. Kung mapapansin ninyo agad ang unang simtoma, hindi ninyo ito dapat binabalewala, dahil ang mabilis na pagkatuklas sa sakit at ang paglapat ng tamang gamot ay makakapigil sa paglago nito.