Ehersisyo para sa mga barikos

Ehersisyo para sa mga barikos

25 June 2018 Off By Rosamie

Ang barikos ay isa sa mga seryosong kondisyon na dinudurusa ng mga tao na 40 pataas. Ang posibilidad na ang mga ito ay mabuo ay genetic o namamana, kahit na ang tamang pagpigil nito at uri ng pamumuhay ang siyang sanhi ng hindi pagpapakita nito. Paano pigilan ang pagbuo ng barikos kung ang mga ito ay nabuo na — paano ito alisin – heto ang mga importanteng katotohanan tungkol sa kondisyong ito.

Contents

Ang pagkabuo ng barikos

Nabubuo ang barikos sa iyong paa dahil sa genes, ganun din ang hindi aktibong pamumuhay na humahantong sa problema ng blood valve. Hindi sila nakakabomba ng dugo sa tamang paraan sa mga kaugata na nagiging sanhi ng hypertension. Ang dugo ang sanhi ng mas mataas na presyon sa pader ng mga ugat sa paa, na nagiging sanhi ng paglaki ng mga ito. Hindi na ito bumabalik sa dati nitong porma at nakikita ito ng klaro sa iyong balat bilang asul at baluktot na mga linya.

Mga uri ng barikos

Ang uri na inilarawan sa itaas ay ang tinatawag na pangunahing barikos na nabubuo malapit sa nagtatrabahong valves ng dugo ng malalalim na ugat dahil sa kawalang kilos nito. Pwedeng maging sanhi ang pagbubuntis, pagdudumi, pagbubuhat ng timbang, o di kaya ay mga trabaho na kinakailangan nakatayo ng mahahabang oras.

Ang pangalawang barikos ay nabubuo dahil sa pagbabara ng malalalim na ugat na nagiging dahilan ng pagtaas ng daloy ng dugo sa ibabaw na mga ugat. Nabubuo ang mga ito bilang epekto ng trombosis, na kung saan nasisira ang mga blood valves na malalalim at nakikita sa ibabaw.

Nangungunang simtoma ng kondisyon ng barikos

Madalas hindi natin pinapansin ang unang simtoma ng barikos, habang ito ay kasisimula pa lamang. Nailalarawan ito sa pamamagitan ng pakiramdan ng pagal at nangagawit ng mga paa, na namamaga na sa may bukong-bukong. Maiwasan mo ito sa pamamagitan ng pagbago ng iyong mga kagawian. Ang mala-sapot na ugat ay nagpapakita sa iyong mga paa, at ang matinding pananakit nito ay inilalarawan ng mga doktor bilas venous thrombosis. Naninigas ang ibabaw ng iyong bukong-bukong, at may makikita kang sugat sugat na hindi naghihilom sa ilalim ng iyong mga binti.

Ang pagpigil ng Barikos

Kung ang propesyon mo ay naglalakip na palaging pagtayo, at alam mong may kasaysayan ng barikos sa iyong pamilya, importanteng magkaroon ka ng tamang pamumuhay na makakapigil sa pagbuo ng mga ito.

  • dapat madalas mong iniiba ang posisyon mo sa pagtayo;
  • pagbabawas ng timbang;
  • iwasan ang masisikip na mga medyas, pantalon o stockings na may masikip na pullers;
  • paglalakad-lakad na suot ang komportableng sapatos na hindi matataa ang sakong;
  • dyeta na may mataas na kuntento ng fiber at bitaminang C;
  • limitahan o di kaya ay iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak

Paggamot ng Barikos

Depende sa diyagnosis at sa uri ng ugat ng barikos na dinadanas mo, ang mga paraan ng paggamot ay maaring may relasyon sa iyong asal, sa pamamagitan ng maraming pahinga habang pinapataas ang iyong mga paa at pagsuot ng espesyal na mahigpit na banda sa paa, o di kaya ay pharmacological, na kung saan nilalagyan mo ng tamang medisina ang iyong balat upang masilyohan ang iyong mga daluyan ng dugo.

Narito ang mga pamamaraan ng pagtitistis sa pagkuha ng ugat ng barikos:

  • pagtatanggal – Ang pamamaraan ni Babcock ay base sa pagtanggal ng puno ng ugat at ang mga sanga na nakapalibot dito — ang downside dito ay ang pagkakaroon ng peklat pagkatapos ng maraming paghihiwa.
  • minifleboctomy – ito ay pamamaraan nina Miller at Varady – na kung saan inaalis ang puno ng ugat ng pakonti-konti;
  • kriostripping – ito ay paraan ni La Piverte na base sa pagpasok ng pinalamig na nitrous oxide probe sa loob ng ugat, na nagiging sanhi ng pagdikit nito sa probe at dahan dahan itong hilahin palabas ng paisa-isa;
  • sklerotherapy – ito ay isang paraan na non-surgical sa pagtanggal ng ugat ng barikos. Nakabase ito sa pagturok ng medisina na nakapagsasara ng ugat dahil dito.