5 paraan upang alisin ang mga kulubot

5 paraan upang alisin ang mga kulubot

22 December 2017 Off By Rosamie

Maraming salik ang nakaaapekto sa pagtanda ng balat at sa paglitaw ng mga kulubot. Hindi wastong diyeta, matataas na antas ng stress, pagkahantad ng balat sa radyasyong UV, at pati mababang kalidad ng tulog. Nagsasanhi ang lahat ng iyon na mga unang senyales ng pagtanda ay lumitaw agad kaysa ipinahihiwatig na byolohikal na edad. Kahit kapag gumulang na, maaari mo pa ring labanan ang pagkabuo ng mga bagong kulubot at paglalim ng mga umiiral na, at hindi kami nagsasalita rito hinggil sa Botox. Kaya, anu-ano ang 5 paraan upang maalis ang mga kulubot?

Contents

Una ay alagaan ang iyong balat mula sa loob

Bago mo isaalang-alang ang mas mabibigat na baril upang labanan ang mga umiiral na kulubot, una ay siguraduhing wala nang lilitaw na bago. Alalahaning malinisan ang iyong balat sa tallow at sebo, dahil sila ang kaanib para sa mga free radical sa pagpapabilis sa pagtanda ng iyong balat at magpapadali sa paglitaw ng mga kulubot. Ang pagmumulan ng bata at malusog na balat ay maaaring ang iyong pang-araw-araw na diyeta: kamatis, karot, spinach, perehil, nogales o buto ng mirasol. Hindi mo rin dapat kalimutan ang wastong pag-inom. Sinisigurado ng pag-inom ng wastong dami ng tubig ang pagpapanatili ng wastong balanse ng tubig-lipid na isang pamprotektang salabid at iniimpluwensyahan ang wastong pagkalastiko ng balat.

Gumamit ng isang nutrisyunal na krema para sa araw at gabi

Kaakibat ng pag-moisturize mula sa loob, maaari ring maging isang sandata sa digmaan laban sa kulubot ang isang wastong moisturizing cream. Kung nakikita mo na ang mga unang senyales ng pagtanda, dapat piliin mo ang mga krema na hindi lang nagmo-moisturize, bagkus nagpapalambot at nagpapatibay rin ng balat. Kadalasang taglay ng mga krema para sa kulubot ang hyaluronic acid, at iba ring mahahalagang sangkap. Isang mainam na paraan upang antalain ang proseso ng pagtanda ay ang paggamit ng mga kremang natural, nagtataglay ng mga langis ng mga halaman na nakaaapekto sa pag-antala sa proseso ng pagtanda at nakasisipsip sa mga hydrolipodic layer ng balat. Ang mga ito ay, bukod sa iba, langis na argan o jojoba. Madalas, taglay rin ng mga natural na krema ang xylitol — kayumangging asukal na pumuprotekta laban sa mga free radical. Siyempre, maaari ring taglay ng mga kremang panlaban sa kulubot ang retinol, na maaaring hindi wastong produkto sa lahat ng balat, dahil maaari nito itong gawing iritable. Upang maiwasan ang mga di-ninanais na epekto ay dapat ka munang gumamit ng isang moisturizing cream.

Proteksyon sa radyasyong UV

Inaapektuhan din ng radyasyong UV ang paglikha ng mga kulubot, kaya upang maiwasang mapabilis ang gayong paglikha, kailangan mong gumamit ng mga kremang nagsasala ng UV. Sa taglamig, maaari kang gumamit ng isang 15 SPF filter, samantalang sa tag-init ay dapat hindi ito bababa sa 25 SPF. Hindi mo dapat makalimutan ang mga salaming pang-araw, dahil inaapektuhan ng pagpapasingkit ng mata ang pagbuo ng mga kulubot sa bandang mata.

Phototherapy at Botox – Paano alisin ang mga kulubot

Isang epektibong paraan upang labanan ang mga kulubot ay ang light therapy, ginagamit sa mga salong pampaganda. Pinasisigla ng aktinotherapy (infared therapy) ang mga selula upang makagawa ng collagen, na nagpapababaw sa mga kulubot at nagpapatibay sa balat. Isa itong alternatibo sa Botox, sikat at madalas gamitin ng mga gumulang nang kababaihan. Ang pagturok ng sausage venom sa ligtas na dami ay, siyempre, napakaepektibo, ngunit kailangan mong pumili ng isang kilalang opisina ng medisinang pampaganda, at isang doktor na may karanasan. Maaari pa ngang humantong ang maling pagsasagawa sa isang pagkaparalisa ng isang bahagi ng iyong mukha.

Paggamit ng mga kosmetikong maskara

Maraming gumagamit ng DIY na uri ng mga maskara, hal. gawa sa yogurt o pipino, saging, langis, o kanin. Mahirap sukatin ang kanilang pagiging epektibo, ngunit tiyak na ang mga sangkap na may wastong nilalaman ay makapagbibigay ng wastong nutrisyon at makapagmo-moisturize sa balat.

Ang laban sa kulubot ay dapat kumplikado – kapwa mula sa labas at mula sa loob. Tanging iyon lamang ang makpagpapasaya sa iyo para sa mukhang batang balat. Napakahalagang gamitin ang subok na at siguradong mga paraan ng pagtanggal ng mga senyales ng pagtanda.